fbpx
18 September 2019

Paano Makakapag-ipon Habang Nagtratrabaho sa Hong Kong?

Isa na ang Hong Kong sa mga pinakamahal na siyudad sa buong mundo. Kilala bilang ’Shopping Capital in Asia’, hindi talaga mapipigilang mabighani sa mga binebentang electronics, jewelries, damit, at iba pa. Bilang Domestic Worker, paano natin maiiwasan ang excess spending upang makapag-ipon?

Heto ang mga tips para sa inyo:

  1. Maging wais sa gastusin:
  • Need or want? Bilhin lang ang mga bagay na kinakailangan. Mag-set ng budget at planuhin ng mabuti ang mga gastusin. Iwasan ang impulse buying at siguraduhing hiwalay ang budget pang-gastos at savings.

TIP: Magbukas ng bank account para secure ang savings at kontrolado ang gastusin.

  1. Huwag mahiyang tanggihan ang pamilya at kamag-anak:
  • Kahit na sa income mo nakasalalay ang pamilya at mga kamag-anak, dapat ay maintindihan nila na pinag-iipunan mo rin ang iyong kinabukasan. I-explain ng mabuti kung bakit kinakailangang tanggihan ang kanilang request. Money cannot replace or define your love for them.

TIP: Hindi lamang pera ang measure ng concern at pagmamahal. Mag-effort din na kausapin at mag-bond kasama ang pamilya kahit malayo ka sa kanila.

  1. Iwasang umutang o kumuha ng loans:
  • Cash ang gamitin sa paggastos at iwasang mag-avail ng loans with high interests. Pag-isipan muna kung kailangan ba talaga mag-loan. Need ba ito or want? Lumayo sa mga unlicensed money lenders at siguraduhing naiintindihan mo ang mga terms ng loan para hindi ma-scam.

TIP:  Planuhin ng maaga ang mga gastusin para maiwasan ang pangungutang. If in need, gamtin ang savings for emergencies instead of incurring debts.

  1. Pigilang laging mag-‘Yes’ sa mga kaibigan:
  • Mag-ingat sa pagiging loan guarantor ng iyong kaibigan — Ibig sabihin nito ay ikaw ang sisingilin sakaling hindi makabayad ang kaibigan mo. Afford mo ba?

TIP: Kilalanin ang iyong mga kaibigan and do your research. Siguraduhing tama ang iyong desisyon. Minsan kailangan unahin ang sariling kapakanan, kaya wag mahiyang mag-say ‘no’ to friends.